Hindi inaasahan ng Pinay fan na si Robee Serrano na makikita niya ang idolo niyang si Taylor Swift habang nagbabakasyon sa Japan.
Kwento ni Robee, pumunta siya sa isang souvenir shop nang may biglang dumating na mga body guards. Nagulat siya nang makitang paparating ang Popstar. Nilapitan niya ang singer at natuwa siya nang pumayag ito na makipag-usap at magpa-picture.
Nasa Japan si Taylor Swift para sa promotion ng kanyang album na “Lover.” Kasama sa naturang album ang mga kantang “The Man,” “The Archer,” “Soon You’ll Get Better,” at ang kantang “Lover.”