The search is on para sa mga bagong beauty queens ng bansa.
Halos sabay na announcement ng Binibining Pilipinas Charities at ng Miss Universe Philippines ng screening ng candidates sa kani-kanilang patimpalak. Deadline ng Binibini ang January 31, habang January 18 naman ang sa Miss Universe Philippines.
May mga forecast na muling lalaban sa Binibining Pilipinas sina Sam Bernardo, Vicky Rushton, at si Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi. Inaabangan din sa Binibini sina Pinoy Big Brother Otso ex-housemate Diana Mackie at ang ka-batch ni Catriona Gray na si Sandra Lemonon.
Matunog ang pangalan ni Kelsey Merritt sa pagsali sa beauty pageant. Kasabay ng paglutang ng pangalan ni Kelsey ay si reigning Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista. Maugong din na lalaban sa Miss Universe Philippines si Miss International 2018 Ahtisa Manalo, at si reigning Binibining Pilipinas International at lawayer na si Patch Magtanong.