Na-starstruck si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ganda ng kapwa artista na si Liza Soberano.
Sa YouTube post ng beauty queen, makikitang bumisita si Liza sa hotel room ni Pia bago magsimula ang ABS-CBN Ball 2019. Namangha si Pia sa beauty ng Kapamilya actress at nasabi pa niyang “patron saint of beauty” si Liza.
Matapos ang kumustahan ay nagpaalam na rin si Liza para pumunta sa gym. Pagkaalis ni Liza ay walang nasabi si Pia kundi “Sobrang ganda niya!”