Kumpirmadong hindi makakadalo sa coronation night ng Miss Universe 2019 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa kasabay na proyekto na gaganapin sa bansang Japan. Sa social media, sinabi ni Pia na “Our working visas were released already before MUO announced the date and venue.” Backstage host sana si Pia sa prestihiyosong pageant at inamin niya na gustung-gusto niyang dumalo. Pero para sa beauty queen, “it would also be impolite for me to cancel my trip to Japan.” Dagdag pa niya, government invitation ang naturang project.
Gayunpaman, nakiisa sa pagdiriwang ng World AIDS Day si Pia pati na rin si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados. Sa Instagram, ibinahagi ng dalawa ang kani-kanilang mga larawan na nagbibigay suporta sa mga taong may HIV na nakararanas ng stigma.