Ipinasilip na ang unang photoshoot sa pelikulang pagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na may pamagat na “If We Don’t Make It” sa ilalim ng direksyon ni Prime Cruz. Gaganap si Paulo bilang Harold, habang si A.M. naman ang role ni Janine. Love story ito ng dalawang taong tatakbo sa konsepto ng “more than friends but less than lovers.” Siguradong maraming makaka-relate sa istorya ng pelikula, lalo na’t maraming relasyon ang walang label or “it’s complicated.”
Ang director na si Prime Cruz ang bumuo ng pelikulang “Isa Pa With Feelings” na pinagbidahan naman nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.