Red carpet pa lang ay hitik na sa glamor ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa halalan 2019.
Break muna sa FPJ’s Ang Probinsyano ang movie queen na si Susan Roces para suportahan ang anak na 2nd term senator na si Grace Poe. Kasama naman ni Las Piñas elect representative at TV host na si Camille Villar ang kanyang inang number one senator na si Cynthia Villar.
Present din si Senator-elect Lito Lapid kasama ang anak niyang si Mark Lapid na magiging Chief of Staff na sa Senado.
“Nagpapasalamat ako sa pangatlong pagkakataon na binigay ng ating kababayan,” mensahe ni Lapid. Isusulong ni Lapid ang free legal assistance. Balik pelikula si Lapid sa “Lumang Bakal” kung saan vigilante ang kanyang role.
Maging ang si senator-elect Bong Go ay tumanaw ng malaking utang na loob sa mga artistang tumulong sa kanya, pati na sa Maalaala Mo Kaya na isinadrama ang kanyang buhay.
“Napanood ko ‘yung Maalaala Mo Kaya, naiyak po ako. Salamat sa mga kaibigan ko sila Ipe, sila Robin, sila Caesar, at sila Bayani at marami pa pong iba,” ani Go. Kabilang sa priority bills ni Go ang pagdaos ng dalawang Metro Manila Film Festival kada isang taon.
Kasama naman ni Senator-elect Bong Revilla ang kabiyak niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado at kanilang mga anak at apo. Hindi ikinahihiya ni Revilla na nag-‘budots’ siya sa last leg ng kampanya.
“Sabi ko, kung hindi ako nag-budots, talo ako. Well, ganunpaman, nagpapasalamat din ako sa budots. Nagsalita na ‘yung mayorya. Ang importante, magkaisa tayo para sa bayan,” ani Revilla.
Ang mga eksena sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv