Engrandeng selebrasyon ang naging pagsalubong sa 2020 ng mga Kapamilya sa Resorts World Manila. Nagbigay ng kasiyahan ang mga world-class Pinoy performers tulad nina Gary Valenciano at TNT Boys.
Kwento ng TNT boys, isang tila imposibleng pangarap ang naabot nila ngayong 2019. Naalala pa nila ang pagsali nila noon sa Tawag ng Tanghalan at guesting sa Gandang Gabi Vice. Ang mga TV appearances nilang iyon ang naging daan para naman sa guesting nila sa show ni Ellen Degeneres at makilala ang idol nilang si Arianna Grande.
Highlight naman ng countdown sa Resorts World ang pamilya Valenciano, na sama-samang nag-perform sa pangunguna ni Mr. Pure Energy. Kwento ni Gary, “they’re no longer the kids of Gary Valenciano, [but] I am now the father of Gabriel Valenciano, the father of Keana. And I’m really really excited that it’s not just me on that stage plus my portion is going to be directed by Paolo Valenciano.”
Maya’t maya rin ang raffle draws kung saan grand prize ang isang kotse. Sa Newport Plaza naman ng Resort’s World Manila ay may libreng concert, kung saan buena manong performance ang The Draybers, na banda ng The Voice of The Philippines Season 1 Champion at TNT hurado na si Mitoy Yonting.
Ayon sa pamunuan ng Resorts World Manila, espesyal at engrande ang pagsalubong sa 2020 lalo na’t ika-sampung anibersaryo rin nila ito. Nagpatuloy ang party kasabay ng mga kantang sumikat sa mga nagdaang dekada.