Marami ang namangha sa latest beach photos ng hunk actor na si Piolo Pascual. Ibinida ng aktor ang kanyang abs sa Instagram bilang pasasalamat sa mga nanonood ng kanyang videos sa kanyang YouTube channel.
Sunud-sunod ang mga movie projects na natapos ni Piolo na ipalalabas ngayong 2020. Nakasama ng aktor si Alessandra de Rossi sa pelikulang “Fluffy and Fream,” na mismong sinulat at dinirek ni Alessandra. Ayon sa aktres, “Gusto kong makita ng tao si Piolo, the way kung paano ko siya nakikita sa mga mata ko. So, mas may discovery kay Piolo dito kaysa sa akin.”
Natapos na rin ni Piolo ang “Lupang Hinirang” sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Sisimulan na rin early next year ang nadelay niyang Marawi War movie.
Samantala, marami pa rin ang naghihintay ng balita kung matutuloy pa ba ang reunion movie ni Piolo sa aktres na si Claudine Barretto na unang nagtambal sa pelikulang “Milan” noon pang 2004.