Bandang 2:26 PM ngayong araw, natanggap ng ABS-CBN ang alias cease and desist order (CDO) mula sa National Telecommunications Commission (NTC) na pinapatigil ang digital TV transmission ng ABS-CBN sa Metro Manila gamit ang channel 43.
Hindi man nakasaad ang channel 43 sa CDO ng NTC noong Mayo 5, 2020, at sa pagkakaintindi ng ABS-CBN ay hindi sakop ng CDO ang channel 43, hihinto na ang digital TV transmission sa Metro Manila sa channel 43 ngayong gabi (Hunyo 30), bilang pagsunod sa alias CDO.
Ibig sabihin, hindi mapapanood ng mga may TVPlus set-top boxes sa Metro Manila ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO.