Age doesn’t matter para sa 41-year-old model na si Janjep Carlos nang makoronahan siyang Mr. Gay World 2019 sa South Africa nitong weekend. Pinagmalaki ng Caviteño ang kanyang mental health advocacy, pati ang kanyang pagsisikap na maging fit kahit lagpas kwarenta na siya.
“’Yung mga kalaban ko, ang gagaling tapos nagulat sila, ako pa ‘yung nanalo,” ani Janjep.
Nakatulong din para masungkit niya ang korona ang national costume. Agaw pansin rin ang “Baklava walk” ni Carlos na inspired ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Sorpesang naka-wheelchair naman nang dumating ang matriyarka ng Binibining Pilipinas na si Stella Marquez-Araneta sa opening kagabi ng National Costume photo exhibit ng pageant, pero the show must go on para kay Araneta na aksidenteng nasaktan ang binti habang naglalakad sa Araneta Coliseum.
Sa makulay na okasyon, matagumpay naman ang awra ni candidate at UP Law student Patricia Magtanong na nakapasa kamakailan sa bar sa kanyang first try.
“I took a leap of faith. I’m very very fortunate that I made it,” ani Magtanong.
Mga daisies naman ang tawag sa 31 candidates ng Miss Teen Philippines na edukasyon naman ang adbokasiya. Mula 16 hanggang 19 ang edad ng mga beauties na mula sa iba’t-ibang probinsya. Pero meron ding mga 15 anyos, karamihan sa kanila, may kanya-kanyang projects sa kanilang mga paaralan.
Reigning Miss Teen Philippines Queen si Nicole Villar na Law student sa Ateneo. “I’m excited for the next teen to whom I will pass on the crown. We want someone who can promote global readiness through education,” ani Nicole.
Ieere ng ABS-CBN ang coronation ng Miss Teen Philippines sa May 19 at Binibining Pilipinas sa June 8. Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv