Bukod sa salu-salo kasama ang pamilya at pagbibigayan ng regalo, may ilang Kapamilya stars na nagbakasyon sa ibang lugar sa araw ng Pasko. Isa na rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kasama ang kani-kanilang pamilya na magkasalo sa Noche Buena, habang lumipad patungo sa Los Angeles si Liza Soberano at Enrique Gil kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Nag-Pasko naman sa London si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, habang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nasa Australia para makasama ang pamilya. Sa Canada naman ang Christmas destination ng The Killer Bride star na si Maja Salvador.
May kanya-kanya ring family time ang hosts ng It’s Showtime. Mas pinili naman ni Angel Locsin na magbigay ng tulong ngayong Pasko. Kwento ng Kapamilya actress, “lahat naman ng plano ko, walang nakakaalam, so, ime-maintain ko ganun lang talaga.”
Nag- time out muna si FPJ’s Ang Probinsyano star Coco Martin sa trabaho para ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya. Kwento ng “Tripol Trobol: Huli Ka Balbon” star, “Magpapahinga lang, babawi sa kanila. Hindi siguro ako aalis ng bansa para magpahinga o magbakasyon kasi after Christmas, December 26, back to work ulit kami.”
Pamilya rin ang focus ng Starla star at “Mindanao” lead actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Sa kanyang social media account, nag-sample si Juday ng pagluluto. Ayon sa premyadong aktres, “[I will] spend time with my whole family. It is something that I really look forward to every Christmas kasi buong taon busy kaming lahat magkakapatid, hindi kami nagkikita-kita.”