Ibinahagi ng PHLPOST ang bagong commemorative stamps na magbibigay-pugay sa mga namayapang OPM icons na sina Rico Puno, Rene Garcia at Joey Pepe Smith na halos magkakasunod lang namaalam.
Sa ulat ni Mario Dumaual, pinili ng PHLPOST ang icon na si Rene Garcia dahil sa pagiging isa sa pioneers ng Manila sound. Si Pepe Smith naman ay kinilala dahil sa kanyang kontribusyon sa Pinoy Rock. Samantala, si Rico Puno ay naging tanyag dahil sa pag-localize ng foreign music style.
Ibebenta sa halagang PHP135.00 ang bawat souvenir sheet na taglay ang mga imahe ng tatlong OPM icons na mabusising ginawa ng mga artists ng PHLPOST.
Magkakaroon din ng grand launch ang mga selyo sa ASAP Natin ‘To kasama ang mga pamilya nina Rene, Pepe at Rico. Gaganapin ang naturang launching ngayong Nobyembre, na magiging highlight ng selebrasyon ng National Stamp Collecting Month.
Pinag-aaralan naman ng PHLPOST na gawan din ng selyo ang Philippine film icons na sina Eddie Garcia, Amalia Fuentes at Tony Mabesa.