Inilabas na ng Warner Brothers Pictures ang official trailer ng animated film na “Scoob.”
Kwento ito ng life-long friends na sina Shaggy Rogers at asong si Scooby Doo. Sa nasabing pelikula, ipinakita ang backstory ng kanilang pagkakaibigan na hindi pa natalakay sa mga dating incarnations ng naturang franchise. Tampok sa pelikula ang boses ni Zac Efron bilang si Fred, Amanda Seyfried bilang Daphne, at Gina Rodriguez bilang Velma. Samantala, magiging boses naman nina Shaggy at Scooby sina Will Forte at Frank Walker.
Mapapanood ang “Scoob” sa May 2020.