Pansamantalang lumiban sa limelight ang sexy actress na si Nathalie Hart dahil sa pagdadalang tao. Sinilang ni Nathalie ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz foreigner husband.
Ngayon, nagbabalik-showbiz na ang aktres. Kwento ni Nathalie, bago magpahinga ay nasa kalagitnaan siya ng production ng isang project, at ngayon na balik trabaho siya ay tuloy na ang shooting nito. Aminado rin siya na na-miss niya ang maingay at mabilis na mundo ng showbiz. Gayunman, na-enjoy niya ang pagiging isang ina. Sa ngayon, mas gusto ng aktres na balansehin ang career at buhay pamilya.
Mapapanood si Nathalie sa 2019 adaptation ng horror classic na “Patayin Mo sa Sindak si Barbara,” kasama sina JC de Vera, Marielle de Leon, at ang child actress na si Xia Rigor. Mapapanood ang naturang pelikula sa iWant sa direksyon ni Benedict Mique na siya ring naging direktor ng “MOMOL Nights” at “ML.”