Tinawanan lang ng aktres na si Nadine Lustre ang issue na siya ay buntis.
Naging usap-usapan ng netizens ang naturang istorya matapos kumalat ang larawan niya sa airport, kung saan malaki umano ang kanyang tiyan. Sa panayam kay Nadine, sinabi niyang hindi siya buntis. Panawagan pa niya, hindi dapat maniwala ang mga tao sa mga kumakalat na balita, lalo pa kung hindi ito galing sa kanya.
Isa si Nadine sa tatlong judges ng bagong talent show na Your Moment. Kasama niya bilang hurado ang International star na si Billy Crawford at ang King of Talk na si Boy Abunda. Hosts naman ng programa sina Luis Manzano at Vhong Navarro.