Nagsalita na si Nadine Lustre kaugnay ng mga balita na umano’y hiwalay na sila ng boyfriend na si James Reid at ang kinakaharap na mental health problem ni Nadine.
Sa kanyang Instagram stories, sinagot ni Nadine ang mga pahayag ng kolumnistang si Ricky Lo bagama’t walang direktang sagot kung hiwalay na nga ba sila ni James.
Usap-usapan sa social media ang issue ng umano’y hiwalayan ng JaDine at irreconcilable differences umano ang dahilan. Dagdag pa rito, nag-alsa-balutan na rin umano ang aktres sa kanilang tinitirhan ni James. Sa ngayon, walang pormal na kompirmasyon mula mismo kina James at Nadine.
Nitong Disyembre lang ay spotted pa ang dalawa nang pumirma si Nadine ng kontrata sa music label ni James na Careless Music. Sa pagdalo naman ni James sa New Year Countdown party sa Libis, Quezon City, binanggit niya na magkasama sila ni Nadine na sumalubong sa bagong taon. Kasama rin si Nadine sa mga malalaking plano ni James ngayong 2020.