Muling pumirma ng kontrata si Nadine Lustre sa ABS-CBN. Matapos ang pirmahan, nagkwento si Nadine ng mga nami-miss niyang gawing proyekto na request na rin ng kanyang mga fans.
“Ultimately ‘yung mga teleserye, wala pa naman pong napag-usapan but hopefully soon magkaroon pa rin. Syempre ‘yun po kasi ang na-miss ko. I’ve been doing a lot of movies din lately so parang miss ko din naman ‘yung nasa TV naman ‘yung mga proyektong ginagawa ko,” ani Nadine.
Naitanong din sa 2019 FAMAS Best Actress kung kailan siya babalik bilang isa sa host ng It’s Showtime.
“I’m not sure but definitely, for sure babalik din naman ako ng Showtime but siguro they’re also looking for the right time din.”
At kung makakapag-request din si Nadine, gusto niya ng iba namang timpla ng proyekto ang maibigay sa kanya.
“Maybe may konting action naman this time. I’ve been doing rom-com, drama before. Sana maiba naman ‘yung genre,” dagdag pa niya.
Busy ngayon si Nadine sa pelikulang “Indak” kung saan masusubukan naman ang husay niya sa pagsasayaw sa isang pelikula.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv