Usap-usapan ngayon ang pag-walk out ni Asia’s Phoenix Morissette Amon sa isang show.
Special guest si Morissette sa birthday concert ng bagong singer na si Kiel Alo, na pinroduce ng talent manager at producer na si Jobert Sucaldito.
Sa kalagitnaan ng palabas, umakyat sa stage si Jobert at inanunsyo na hindi na makakakanta si Morissette. Sinabi rin ni Jobert na kung hindi makakakanta ay pinakiusapan niya na lang ang singer na lumabas sa stage para man lang makita ng audience. Sa halip, ang manager ni Morissette na si David Cosico ang umakyat sa entablo para humingi ng paumanhin sa mga manonood.
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Morissette tungkol sa nangyari. Sinabi ni David na kakausapin muna nila ang singer bago maglabas ng official statement.