Nag-issue ng public apology ang Asia’s Phoenix na si Morissette Amon kaugnay ng pag-walk out sa birthday concert ng baguhang singer na si Kiel Alo.
Humingi ng paumanhin si Morissette kay Kiel pati na rin sa manager at producer na si Jobert Sucaldito. Nag-sorry din si Morisette sa batikang showbiz reporter na si Mario Dumaual, kahit pa aminado siyang naapektuhan ng mga tanong ng showbiz reporter tungkol sa kanyang pamilya. Alam umano ni Morisette na ginagawa lang ni Mario ang kanyang trabaho.
Sa huli, inako ng singer ang responsibilidad sa kanyang pag-walk out. Nagpasalamat din siya sa suporta at pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa fans.
Isa sa mga hayagang sumusuporta kay Morissette ang kaibigan at kapwa singer na si Marlo Mortel. Nagpadala umano ng mensahe si Marlo sa kaibigan at sinabing dinadamayan niya ito sa kanyang pinagdadaanan.