Mas open na ngayon sa kanyang love life ang ASAP biritera-singer at Asia’s Phoenix na si Morisette Amon.
Nasa New York City sa America ngayon si Morisette kasama ang boyfriend na si Dave Lamar para magbakasyon. Sa Instagram post ni Morisette, makikitang magka-holding hands pa ang dalawa habang naglalakad sa Central Park. Nilagyan pa ni Morisette ng caption ang naturang litrato na “Come away with me.” Sinundan pa ito ng larawan nila habang magkayakap. May caption ito na “mine.”