Nasa Bohol ngayon ang pamilya ni Momshie Melai Cantiveros.
Makikita sa litrato na naka-pose ang mag-anak habang nasa background nila ang tanyag na Chocolate Hills. Kasama ni Melai ang asawang si Jason Francisco at mga anak na sina Mela at Stella. Sa isa pang litrato, sinabi ng TV host-comedienne na “Family Is Love Family is Forever.”
Nakilala si Melai bilang big winner ng Pinoy Big Brother Double Up noong 2009. Nakatuluyan niya ang kapwa housemate na si Jason Francisco. Dahil sa kanyang angking kakulitan, kinagiliwan ng fans si Melai at nagkaroon ng maraming proyeto sa Kapamilya network. Taong 2015 nang manalo siya sa kauna-unahang Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN. Nang sumunod na taon ay napili siya bilang isa sa tatlong momshies na magiging host ng Magandang Buhay, kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.