Dream come true para sa singer na si Moira dela Torre ang makasama sa isang project si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Sa pagharap ni Moira sa showbiz media, masaya niyang ibinalita na sa wakas ay matutuloy na ang proyektong pagsasamahan nila ni Regine. Kakaiba ang naging paglalarawan ni Moira sa kanyang “Mama Reg” na nakasama niyang maging judge sa Idol Philippines. Kwento ni Moira, bukod sa napakahusay ay versatile rin ang batikang mang-aawit kaya naman talagang deserving daw ang Asia’s Songbird sa kanyang status ngayon.
Hindi rin malilimutan ni Moira ang tagumpay ng kanilang sa Himig Handog 2019 entry ni Daniel Padilla na pinamagatang “Mabagal.” Ayon kay Moira, sa kabila ng star factor ay napakabait at mapagpakumbaba umano ng King of Hearts na si Daniel.