Naging emosyonal ang Kapamilya singer at Idol Philippines judge na si Moira dela Torre nang makita ang Mega Daughter na si KC Concepcion.
Nangyari ang pagkikita sa “Iconic” concert nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Sa Instagram, ibinahagi ni KC ang mga larawan nila ni Moira. Sa isang larawan, kita pa na nagpapahid ng luha ang singer habang kausap si KC. Na-touch si KC nang malaman na isa siya sa mga idolo at inspirasyon ni Moira. Inamin naman ni KC na fan din siya ng mga kanta ni Moira.