Ibinida ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang no make-up look.
Sa photo na naka-post sa Instagram ng beauty queen, makikita ang kanyang natural look, at nilagyan pa niya ito ng caption na “This is skin I wake up in every day,” at mayroon pang #AsSheIs. Umani na ng mahigit 8,000 likes ang naturang litrato.
Nakatakdang ipasa Ni Catriona ang kanyang korona sa December 9 sa Atlanta, Georgia, USA.