Nitong January 6 (Lunes), kulitan agad ang bungad ng It’s Showtime family kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na guest co-host nila ngayong linggo.
WATCH: Catriona Gray finds hosting gig “fun and amazing”
Nagpakitang-gilas din ang beauty queen sa pagkanta at pagsayaw. Thankful din si Catriona na nakapag-celebrate siya ng kanyang birthday week sa hit noontime show.
Ayon kay Catriona, “Sobrang masaya. It’s a really amazing way for me to spend time with the fans and with madlang people for my birthday.”
Pinangunahan ni Catriona ang pinaka bagong segment ng It’s Showtime na Mini Ms U. Para kay Catriona, “’Yung mga bata sobrang cute talaga. And just to see them really performing very well on stage and having such high confidence.”