Nag-post ng litrato sa kanyang Instagram si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang walang make-up. Sinabi ng beauty queen na proud siyang ipakita ang tunay niyang sarili. May caption pa ito ng “No makeup. No glam team. No styling.” Umani na ng mahigit 300,000 likes ang naturang photo at hinikayat din niya ang ibang beauty queens sumabak sa nasabing challenge.
Nauna nang nag-post si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng kanyang no makeup photo, bilang bahagi ng #assheis Challenge. Hinamon ni Catriona ang kapwa Binibining Pilipinas beauty queens na sina Sandra Lemonon at Nicole Cordoves.