“Education and political will” para mahikayat ang world leaders na kumilos laban sa climate change ang naging sagot ni Miss Puerto Rico sa Miss Earth 2019 sa Q and A portion. Sumentro rito ang winning answer ng Puerto Rican beauty kaya naiuwi ng kandidata ang korona sa naturang pageant.
Sa ulat ni MJ Felipe, pabonggahan ang mga kandidata sa coronation night. Pasok sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Janelle Tee. Kasama rin sa Top 20 ang kandidatang nag-viral dahil sa kanyang mga banat na si Miss Ghana. Pasok naman sa Top 4 naman sina Miss Belarus, Miss Czech Republic, Miss USA at Miss Puerto Rico.
Sa final question, naging topic ang paraan kung paano makukumbinsi ang world leaders na kumilos laban sa climate change. Winning answer ni Miss Puerto Rico ang “We are living in a planet that is our biggest home, and we have taken advantage of it, instead of putting back what it is giving to us.”
Bukod sa winner na si Miss Puerto Rico, tinanghal na Miss Earth Fire si Miss Belarus, Miss Earth Water naman ang pambato ng Czech Republic habang Miss Earth Air ang kandidata mula USA.