Ang call center agent na si Kevin Ching, simula’t sapul ay ibinibigay sa kanyang misis na si Ofelia ang kanyang ATM card. Para kay Ofelia, kultura na ng mga Pilipino ang pagbibigay ni mister ng kanyang ATM card kay misis. Gayunman, hindi naman sapilitan ang ganoong set-up at nasa lalake pa rin ang desisyon ng pag-surrender ng sweldo. Aminado si Kevin na may mga pagkakataong nag-aaway sila tungkol sa pera, lalo na kung darating siya sa bahay at ibubungad sa kanya na mayroon silang utang.
Bilang solusyon, isinumite ang House Bill No. 4888 ni Representative Fidel Nograles. Naglalayon ito na amyendahan at palawakin ang saklaw ng RA 9262 o ‘Anti Violence Against Women and Their Children Act.’ Kabilang sa mga saklaw ng nasabing House Bill ang economic abuse sa isang household. Sa ngayon, nasa Committee on Gender na ang naturang panukalang batas.
Ang Gabriela Women’s Partylist, naniniwalang espesyal na batas para sa mga bata ang RA 9262 kaya tutol sila sa pag-amyenda nito. Naniniwala sila na may sapat ng batas na poprotekta sa mga lalake sa isang household setting.