Pinakilala na ang 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2020.
Puno ng excitement ang naging announcement ng 40 official candidates ng prestihoyosong pageant. Nangyari ang anunsyo noong February 6 (Huwebes) sa New Frontier Theatre sa Cubao.
Pinangunahan ni BPCI Chairperson Stella Marquez Araneta ang opisyal na pahayag at nagpasalamat sa mga hopefuls na sumali ngayong taon.
Kapansin-pansin ang ilang returnees na sina Vicky Marie Rushton, Patrizia Garcia, at Samantha Bernardo.
Limang international crowns ang paglalabanan ng candidates, kabilang na ang Miss International, Miss Supranational, Miss Grand International, Miss Globe at Miss Intercontinental. Magaganap ang coronation night sa April 26.