All-out sa pagrampa ng kani-kanilang mga costumes ang mga celebrities na dumalo sa Halloween Ball na inorganisa ni Raymond Gutierrez.
Sa ulat ni MJ Felipe, pabonggahan at kanya-kanyang paandar ang mga attendees ng naturang event na may temang ‘Opulence,’ sunod sa estillo ng historical figure na si Marie Antoinette.
Kabilang sa mga dumalo at sumunod sa tema ay sina Coleen Garcia, Yassi Pressman at kapatid ni Raymond na si Ruffa Guttierrez. Dark Marie Antoinette naman ang suot nina Dennis Laurel at Iza Calzado. Best effort ang costume ni Isabelle Daza, na may karosa at ni-recreate ang execution ni Marie Antoinette. Present din ang mga heartthrobs na sina Marco Gumabao at Wil Dasovich.
Dumating din ang beauty queens na sina Maxine Medina at Ariella Arida. Kahit seven months pregnant, naki-party pa rin si Solenn Heussaff at kaibigan na si Georgina Wilson. Dumatin din ang ilang couples gaya nina Lou Yanong at Andre Brouiltette, Richard Guttierez at Sarah Lahbati, Angel Locsin at Neil Arce, at iba pa. Spotted din ang ilang nakakatawang costumes, tulad ng Little Mermaid, chandellier, at may dumating pa na nag-ala Gretchen Barretto.
Nagbigay-kulay din sa event ang pagdating ni Annabelle Rama na kakatapos lang mag-celebrate ng kanyang birthday. Nang ma-interview ng press, nagbigay ng mensahe si Annabelle para kay Gretchen Barretto at sinabing “Sana manahimik ka na, ‘Day. Tutal mayaman ka na, i-enjoy mo ang kayamanan mo. I-enjoy mo na ang pera mo. Huwag na tayo mag-away away pa. Peace, of course.”