Sa unang pagkakataon, sasabak sa intense drama sina Maymay Entrata at Edward Barber para sa isang episode sa longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya.
Bibida ang MayWard sa kwento ng isang cancer patient na gagampanan ni Maymay, habang ang karakter naman ni Edward ang nobyo niya. Sa darating na November 23 (Sabado), mapapanood na ang Gab and Max story sa MMK na mapapanood pagkatapos ng pinakabagong talent show sa ABS-CBN na Your Moment.
WATCH: Kapamilya Confessions with MayWard
Minsan na ring kinumusta ng media ang relationship status nina Maymay at Edward. Sinabi ni Maymay na iba ang estado at tinginan nila ni Edward sa isa’t isa sa ngayon.