May sakit man sa mismong araw ng kanyang kaarawan, feeling blessed pa rin si Maymay Entrata na nagdiriwang ng kanyang ika-22 taon.
Sa kanyang birthday post sa instgram, sinabi ng Hiwaga Ng Kambat star na masaya pa rin siya dahil nandiyan ang kanyang pamilya at supporters sa kanyang birthday celebration,
“Buti na lang bago ako nagkasakit nakapag-picture pa ako. Pero kahit ganun pa man, 'Everything is a blessing' dahil 'di man naging perpekto ang kaarawan ko pero malaking pasasalamat ko pa rin dahil mas natutunan kong pahalagahan ang mga maliliit na bagay gaya lamang ng kung gaano kahalaga na alagaan ang ating mga katawan, bigyan ng oras na magpahinga at mahalin ang sarili," ani Maymay sa post.
Dagdag niya, mas natuto na raw siyang pahalagahan ang kanyang kalusugan.
“Siyempre bonus na dun ang pamilya ko na andyan para alagaan ako, sa lahat na mga greetings niyo sa 'kin maraming salamat (nababasa ko po lahat) at pakiramdam na mahal n’yo ko ay sapat na sa 'kin," dagdag pa ng PBB Lucky Season 7 Big Winner.
READ on PUSH: Maymay Entrata shares birthday wish: ‘Everything is a blessing’
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv