Magkasundo sa halos lahat ng bagay sina Maymay Entrata at Edward Barber. Maliban na lamang sa isang hobby ni Edward na kinaiinisan ni Maymay.
Isa sa mga paboritong libangan ng MayWard ang paglalaro ng online games, gayun pa man sinabi rin ni Maymay na minsan na rin nila itong pinagtalunan noon. Pero nang matuto na siyang maglaro ay hindi na ito naging issue sa kanila.
Kinumusta rin ng media ang relationship status ng dalawa. Inamin ni Maymay na iba ang estado at tinginan nila ni Edward sa ngayon.
Successful ang naging first-ever major concert ng MayWard noong September 27 ng kasalukuyang taon. Ang naturang live concert ay ginanap sa New Frontier Theater at may pamagat na ‘M.E. & U,’ na nakapagtala rin ng sold-out tickets.