Matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay inanunsyo na ang susunod na Pedro Penduko.
Sa ulat ni Jeff Fernando, opisyal nang ipinakilala ang Kapamilya actor na si Matteto Guidicelli, bilang kapalit ni James Reid sa gagawing pelikula tungkol sa Pinoy comicbook character na si Pedro Penduko. Isinapubliko ang development tungkol sa proyekto nitong October 21, kasama ang direktor na si Jason Paul Laxamana.
Ayon kay Matteo, hindi niya inasahan na ipagkakatiwala sa kanya ang karakter ni Pedro Penduko. Gayunman, malaking karangalan daw ito para sa kanya. Para sa actor, malaking bagay ang kanyang naging millitary training, bilang paghahanda sa project na ito.
Aminado si Matteo na ngayong pa lang ay dama na niya ang pressure na mapantayan sina Efren Reyes, Ramon Zamora at Janno Gibbs na dati nang gumanap sa iconic Pinoy character.
Ngayong Nobyembre nakatakdang magsimula ang training at shooting ni Matteo bilang si Pedro Penduko.