Ibinida ng aktor na si Marvin Agustin sa Instagram ang kanyang kauna-unahang tattoo. Kwento ni Marvin, hindi naman masakit at parang kagat lang daw ng langgam. Pero bawi niya, ang sakit daw ay maihahalintulad sa kagat ng “gutom na gutom na gutom na giant langgam!”
Makikita sa naturang post ang tattoo na isang seraphim wing na hugis infinity.
Maraming fans ang nanghinayang sa balitang naudlot ang sana’y reunion movie ni Marvin sa ka-love team niya noong 90s na si Jolina Magdangal. Bagama’t may script na sila at alam na ang kwento, hindi pa masyadong napag-usapan ang ibang aspeto ng proyekto. Ayaw din itong madaliin ng dalawa kaya nagdesisyon sila na huwag muna itong ituloy. Gayunman, tiniyak din ni Jolina na matutuloy ang reunion movie na ipoproduce din ni Marvin.
Matatandaang huling nagsama sa pelikula ang dalawa sa ‘Gimik: The Reunion’ at ‘Hey Babe’ noon pang 1999.