Sa exclusive interview ni Karen Davila kay Marjorie Barretto, may mga istoryang inilahad si Marjorie na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Sa ulat ni Jeff Fernando para sa Umagang Kay Ganda, most shared content ang naturang interview sa TV Patrol nang ilabas ito nitong October 22 (Martes). Sa social media, nagkaroon ng Team Gretchen at Team Marjorie, habang may ilan din naman na nanatiling neutral.
Sa naturang panayam, pinasalamatan ni Marjorie si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagdalo at pakikiramay sa kanilang pamilya. Ito ay kahit pa hindi niya napagbigyan ang hiling ng Presidente nang subukan nitong pagbatiin silang magkakapatid.