Usap-usapan ng netizens ang aktres na si Maris Racal dahil sa kanyang Instagram post kung saan ginaya niya ang iconic look ng singer na si Unique Salonga. Para kumpletuhin ang look, nilgyan pa niya ito ng black and white na filter. Sa naturang post, sinabi ni Maris na nais lang niya na maging “unique” ang kanyang costume. Natuwa ang netizens sa naturang post na umani na ng halos 80,000 likes.
Patuloy pa rin na napapanood ng mga Kapamilya si Maris sa teleserye na Pamilya Ko. Gumaganap siya rito bilang ang palabang ate na si Peachy Mabunga.