Rumampa si 2017 Bibinibing Pilipinas-International Mariel de Leon para sa bagong lingerie collection ng Hollywood personality na si Kim Kardashian sa prestihiyosong New York Fashion Week.
Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Mariel na masaya siyang mapabilang sa mga models ni Kim na rumampa sa fashion show. Ito ang unang pagsabak ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong sa New York Fashion Week.