Bakas sa aura ni Maja Salvador na masaya siya sa kanyang current relationship sa boyfriend na si Rambo Nunez. Kaya naman wala nang mahihiling pa sa kanyang buhay ngayon ang Kapamilya star, kasunod ng sunud-sunod na blessings na kanyang natatamasa.
Naniniwala ang aktres na “kung ano ‘yung para sa atin talaga, [mapupunta] sa atin. ‘Yung laging huwag nating hanapin kung ano ‘yung wala pa tayo.” Masaya rin si Maja na pareho sila ni Rambo na tanggap ng pamilya ng isa’t isa.
Naging maugong ang mga balita na malapit nang ikasal sina Maja at Rambo, pero nilinaw ni Maja na wala pa silang balak sa ngayon. At dahil open si Maja sa publiko tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, tiniyak ng aktres na malalaman ito ng lahat sakaling magdesisyon sila ni Rambo na magpakasal.
Hinirang din ngayong taon si Maja bilang Best Actress ng 1st Asia Contents Awards sa Busan, South Korea dahil sa kanyang pagganap bilang Ivy Aguas at Lily Cruz sa Wildflower.
Napapanood ngayon si Maj bilang si Camilla dela Torre sa top-rating na teleseryeng The Killer Bride.