Inamin ng The Killer Bride star na si Maja Salvador na wala siyang sikreto sa kanyang sexy at fit na katawan. Ayon sa aktres, mahilig siyang kumain at isa siyang certified foodie. Dagdag pa ni Maja, hindi niya dinedeprive ang kanyang sarili sa pagkain, pero umiiwas lang umano siya kapag may nagsasabing nagsisimula na siyang mag-gain ng weight.
Sa pagsisimula ng Nobyembre ay nagbakasyon si Maja sa Coron, Palawan kasama ang boyfriend na si Rambo Nunez. Sa mga litratong naka-post sa social media, kitang kita ng fans ang sweetness ng magkasintahan.