Walang kupas na kagandahan at husay sa pagganap ang grand slam queen na si Lorna Tolentino. 50 years na sa showbiz si Lorna na nagsimula bilang child actress at ngayon ay napapanood na gabi-gabi sa top rating serye na FPJ’s Ang Probinsyano.
Nagpapasalamat si LT kay Coco Martin na nakaisip ng kanyang challenging role bilang Lily.
“I’m so happy na naisip ni Coco na isali ako sa Ang Probinsyano na merong isang hindi mo mawaring karakter, hindi mo maintindihan kung saan ba siya pumapanig,” ani Lorna.
Sabi pa ni LT, ibang kasiyahan ang kanyang nararamdaman dahil sa sunod sunod na proyekto na dumadating sa kanya, mula sa endorsements, hanggang TV projects.
“Very interesting ‘yung role, ‘yun ang unang-una, bilang artista lahat naman ang gusto talaga, isang meaty na role.”
Dito ikinwento rin ng aktres ang isa sa mga hindi niya inaasahan ang pagmamahal at suporta sa kanyang nakakainis na karakter bilang Lily.
“Tinatanggap naman namin kaagad dahil ang mga ibang actors, kumbaga, sige gawin natin ‘yan kasi sa lahat ng mga kontrabida, ‘yung sa akin ang hindi mo pa malaman kung ano siya.”
At kung tatanungin kung hanggang kailan siya mapapanood sa hit teleserye, ayon kay LT, “Actually noong ilang araw pa lang, pinapirma na ako ng kontrata na aabot hanggang September.”
Sa ngayon, gabi-gabing makakasama si Lorna bilang si Lily sa tumitinding mga tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv