Maging mapagkumbaba- ‘yan ang mensahe ni Liza Soberano sa bagong gaganap bilang Darna.
Sa social media, ipinarating ng manager na si Ogie Diaz ang mensahe ni Liza na kung sakaling fresh face man ang mapili bilang Darna, sinabi ni Liza na dapat ibigay niya sa proyekto ang kanyang buong puso sa mga pagsasanay lalo na sa acting.
Sang-ayon din si Ogie na bagong mukha ang piliin bilang Darna. Dagdag pa niya, naka-move on na raw si Liza sa pagbitiw sa role.
Kamakailan ay binuksan na rin sa publiko ang auditions para sa bagong Darna.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv