Ibinahagi ng aktres na si Yam Concepcion ang mga makakasama niya sa inaabangang teleserye na Love Thy Woman. Kabilang sa cast sina Kim Chiu, Xian Lim, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, at Sunshine Cruz. Kwento ito ng isang modernong Filipino Chinese family.
Huling napanood ng mga Kapamilya si Yam sa teleseryeng Halik, kung saan naging iconic ang karakter niyang si Jade. Kasama ng aktres sa hit teleserye na ito sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yen Santos.