Natuwa ang netizens sa photo nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang may buhat na sanggol.
Sa Instagram story ng isang kaibigan, makikitang magkatabi ang dalawa habang kasama ang nasabing bata, at may caption pa ito na “Hanging out with Tito ang Tita. Practice makes perfect.”
Tila mas naging kasabik-sabik naman para sa kanilang fans ang pagkakaroon ng sariling anak ng dalawa, lalo pa’t inanunsyo nina Sarah at Matteo ang kanilang engagement kamakailan.
November 7 nang isapubliko nina Sarah at Matteo ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang litrato sa social media. Ang nasabing larawan ay nilagyan ni Matteo ng caption na “I love you my love, now and forever.” Bagama’t walang opisyal na announcement tungkol sa nasabing engagement, napuno ng congratulatory messages mula sa mga kaibigan, pamilya at katrabaho ang naturang post. Revelation ng nakababatang kapatid ni Matteo, isang taon nang engaged sina Sarah at Matteo pero pinili muna nilang itago ito sa publiko.