Pahabol na kilig sa 2019 ang engagement ng Kapamilya singer na si KZ Tandingan sa long-time boyfriend at kapwa musician na si TJ Monterde. Sa Instagram post ni TJ, ibinahagi niya ang litrato nila ni KZ na suot na ang engagement ring. May caption pa ito na “…and Thank You God for my wife to be.”
Sa interview kay TJ sa Magandang Buhay noong 2017, sinabi ng singer na dalawang taon na silang magbarkada bago umamin na may nararamdaman siya para kay KZ. Naging official couple ang dalawa noong 2015.
WATCH: TJ at KZ, ikinuwento ang kanilang love story
Sunud-sunod ang mga celebrities na nag-level up ang relasyon ngayong 2019. Kabilang na rito si Richard Gutierrez na handa nang pakasalan si Sarah Lahbati. Naghahanda na rin na makipag-palitan ng “I Do” ang Kapamilya actress na si Angel Locsin, sa film producer na si Neil Arce. At siyempre, kinilig ang buong Philippine showbiz industry sa balitang engaged na si Popstar Royalty Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.