Tinuldukan na nina Kylie Verzosa at Maxine Medina ang issue sa ‘di umano’y iringan nila sa set ng Los Bastardos.
Kamakailan ay naging usap-usapan ang issue na ‘dinuraan’ umano ni Kylie si Maxine sa taping ng kanilang eksena sa afternoon teleserye.
Depensa ng Miss International 2016 beauty queen, nadala lamang siya dahil intense ang nasabing eksena. Dagdag pa ni Kylie, pagkatapos naman ng shoot ay lumapit siya at nag-sorry sa co-star. Para naman kay Miss Universe Philippines 2016 Maxine, sana ay magsilbi itong lesson tuwing gagawa ng eksena sa teleserye. Dapat daw ay pag-usapan muna bago gawin para na rin maging handa sa mga posibleng mangyari.