Mainit pa rin na pinag-uusapan ang ‘di umano’y pandudura ni Kylie Verzosa sa Los Bastardos co-star na si Maxine Medina.
Unang pumutok ang issue nang mag-post sa Facebook ang pinsan ni Maxine na si Dianne Medina. Agad din namang sumagot ang Miss International 2016 title holder at sinabing humingi na siya ng tawad sa kanyang nagawa.
Dagdag pa ni Kylie, friends daw talaga sila ni Maxine mula pa noong pa sila kandidata sa Binibining Pilipinas. Nais din naman ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine na wakasan na ang issue para hindi na ito lumala pa na mas makakabigat sa set ng teleserye.
Aminado naman si Kylie na nasaktan siya sa naging pahayag ni Dianne. Pero siniguro ng dalawang beauty queens na nagkaayos na sila at wala ng iringan.