Kinaiinisan ng fans si Kim Molina bilang si Savanah sa Kadenang Ginto pero ngayong Halloween ay pinatawa niya ang kanyang mga tagahanga nang mag-costume siya bilang ang iconic na maleta ni Daniela Mondragon. Si Dimples Romana ang gumaganap na Daniela sa hit afternoon teleserrye.
Sa Instagram ni Kim, makikitang naka-Daniela red outfit ang boyfriend niyang si Jerald Napoles habang si Kim naman ang naging maleta.
Setyembre ng kasalukuyang taon nang ipamalas ni Kim ang kanyang husay sa pag-arte nang bumida siya sa pelikulang #Jowable. Bago ito ay nagkaroon din siya ng project sa iWant na ‘MOMOL Nights,’ kasama si Kit Thompson.