Sa pagpasok ng 2020, maraming mga pelikula ang dapat abangan ng mga Pinoy moviegoers.
Mapapanood sa 2020 ang “U-turn” nina Kim Chiu, Tony Labrusca, at Pamilya Ko star JM de Guzman. Marami na rin ang nakaabang sa pelikulang “Your Mine is Only You” nina Richard Gutrierrez, Jennylyn Mercado at JM de Guzman.
Buena mano naman ng taon ang zombie thriller na “Block Z,” na ipalalabas na sa January 29. Bida sa star-studded movie na ito sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Samantala, lilipad na bilang Darna si Jane de Leon ngayong taon. Laman ng mga balita noong 2019 ang proyekto dahil sa pagkakaudlot nito at pagpapalit ng lead star at ng direktor. Matatandaang umalis ang original director na si Erik Matti dahil sa creative differences, at pinasa ang proyekto kay “Heneral Luna” director Jerrold Tarog. Napunta naman ang lead role kay Jane mula sa first choice na si Liza Soberano dahil sa natamong injury ng aktres na kailangang ipagamot.
Ang pelikula naman nina Coco Martin at Angelica Panganiban na “Love or Money” ang dapat abangan sa buwan ng mga puso. Ito ay sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Inaasahang magiging mas masigla ang Philippine movie industry ngayong taon dahil sa mga malalaking produksyon na aabangan ng mga manonood.