Excited na ang KimXi fans na muling mapanood ang kanilang iniidolong real life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim lalo pa’t inanunsyo na ang pagsisimula ng taping ng dalawa para sa bagong teleseryeng “Love Thy Woman.”
Sa Instagram post ng direktor ng teleserye na si Jerry Lopez Sineneng, ibinahagi niya ang isang larawan kasama ang KimXi. Kasama rin sa cast si Yam Concepcion na bumida sa nagtapos na teleseryeng Halik. Huling napanood ang loveteam noon pang 2016 sa primetime teleseryeng The Story of Us.